Infanta town and school on board the Gabaldon project
Mam Mila,
Mabuhay!
Kung inyo pong matatandaan ang lingkod na ito ay tahasang nakikiisa at nagbibigay ng panahon upang muling maitayo ang gusali ng Gabaldon dito sa aming bayan kasama ang samahan ng mga magulang at guro ng ICES at ang lokal na pamahaalan ng Infanta. Kami po ay patuloy ang pagkilos sa programang ito hindi lamang ang pagbibigay ng impormasyon sa aming kababayan kundi ang paglikom na maibabahagi sa muling pagtatayo ng Gabaldon. Sa katunayan po ay nakalagak ang salaping nalikom ng samahan sa isang Rural Bank dito sa ating bayan at nariyan din po pagpapatunay na kami ay patuloy ang pakikiisa sa inyong hangaring tulungan ang aming bayan.
Nais po namin ang kagandahang maibibigay ng proyektong ito sa aming mga kabataan.
Ang detalye po at lagay ng pananalapi na nalikom ng samahan ng mga magulang at guro ng ICES at lokal na pamahalaan ng Infanta para sa programang "Gabaldon" ay amin pong ibibigay sa lalong madaling panahon para po sa inyong kaalamaan.
Salamat po.
Marion Combalicer
Dating Pangulo ng PTA-ICES