PASKO NG PAGKABUHAY
Ni Rudy A. Arizala
12 Abril 2009
Matapos mangulila
Sa puntod ng Galgotha
Humalili'y pag-asa
Sapagka't nang magpunta
Luhaang Magdalena
At dumalaw sa tumba
Walang bangkay nakita.
Ang lumbay ng lahat na
Nahalinhan ng saya:
Kapag my tiwala ka,
Dalisay na pagsamba
Sa Dakilang Lumkha,
Ay may bagong buhay ka,
Walang hanggang ligaya!