BUOD NG KUWARESMA
Ni Rudy A. Arizala
10 Abril 2009
Sa krus na nakadipa
Ang taong nagkasala
Lumuhod at nagtika
Sa harap ni Bathala
Ang tatlumpong salapi
Ang kapalit ng budhi
Ni Hudas, dating kampi
Kay Hesukristong hari
Mga sukab at lilo
Nagdiwang at nagsaya
Barabbas ang pinalaya
Si Kristo ang nagdusa.
Sa krus huling salita
Patawarin sila
Aking mahal na Ama,
Di alam, ginagawa. . .
Nabuhay namaguli
Ang Hesukristong bunyi
Ang langit at ang lupa
Nagdiwang at nagsaya!