ALAY KAY ATE NEMIA
Ni Rudy A. Arizala
Naglahong bulalakaw
Nang ikaw ay pumanaw
Sa mundong ibabaw
Di ka na matatanaw
Kaya Ipagdarasal
Ka kay Bathalang tanglaw
Sa Diyos ka mahihimlay
Sa paglubog ng araw
Ningning at ang liwanag
Ewan ko ba kung bakit
May hiwaga ang langit
Iniwan at nawaglit
Ang naghari karimlan?
Ah! hindi mawawaglit
Rito sa lupa at langit
Gabi mang pusikit
Ang ganda at kariktan
Ng buhay walang hanggan
Alay sa pusong banal!
Wakas