Panawagan at Pasasalamat para sa "GABALDON RESTORATION PROJECT"
Ni Mario Combalicer
Panawagan pong muli para sa mga kababayan at mga nagsipagtapos sa Paaralang Sentral ng Infanta na makibahagi at makiisa sa pagkilos na isinasagawa ng Parent Teachers Community Association - Infanta Central Elementary School (PTCA-ICES) na makalikom ng halaga para sa "Gabaldon Restoration".
At pasasalamat po sa mga tumangkilik sa mga bumili ng "Gabaldon T-Shirt" at nagbigay ng papasko sa isinagawang "Christmas Caroling".
Ang samahan po ay nakasimula na sa paglikom na halagang ibabahagi para muling pagtatayo ng Gusali ng Gabaldon sa ating paaralan at patuloy po ang pagsasagawa ng mga proyekto upang makalikom at maisakatuparan ito. Subalit hindi po namin magagawa itong mga hakbangin na ito kung kayo ay hindi namin kabahagi sa aming pagkilos. Hangad po ng samahan ang inyong pagtangkilik at pakikiisa upang mapagtagumpayan nating lahat ang muling pagbabalik ng Gusaling Gabaldon na magbibigay ng sariwang kamalayan sa mga nagsipagtapos at ibayong pundasyon sa mga susunod na henerasyon.
Muli po, patuloy na panawagan at tiklop tuhod na pasasalamat sa inyo.
Mabuhay ka Gabaldon!
Mabuhay ka Infanta!
Mabuhay po tayong lahat!