ALAY KAY KUYA BILLY+
Ni Rudy A. Arizala
16 Oktubre 2008
Kuya Billy: nang ikaw
Ay dagli nang pumanaw
Ikaw ay nakatanaw
Naghihingalong araw
At naglaho nang tanglaw.
Isa na lamang bahaw
Na tinig ng batingaw
Dinig mong alingaw-ngaw.
Ngunit di ka naligaw
Sa landas pagka-uhaw
Dahil nahimlay ikaw
Kay Bathalang batisan !
Wakas