Fund Raising


Goal for 2010: $23,500
Donations collected 2009 in: $37,073
Archdiocese of Denver Mission Appeal, Discalced Carmelite Friars $27,104.49
Total Collected in 2010: $30,694


Donors 2010

(those in bold are recent contributors)
Colleen Smith
Very Rev. Andrew Kemberling
Mark & Mila Glodava
Melecia Garcia
Our Sunday Visitor
Alvarez Foundation
Romy and Julie Coronacion
Victorian Tea Party
Golden Press

Recent Posts

Site by
Juice Box

Panukala: Magtanim ng acacia sa harap ng Gabaldon

Mahal na Patnugot:

Si Ginoong "Cocoy" sa kanyang maikling sanaysay "Balik-tanaw sa Gabaldon" (Metro Infanta Foundation Website, 10 August 2008), matapos na sariwain sa ala-ala ang nasabing paaralan nabanggit rin niya na may panghihinayang na wala na ang kahoy na "Acacia" sa tabi ng nasirang "Gabaldon Building".

Nakikibahagi ako sa kanyang panghihinayang. Nabanggit ko na ito noong una pa kung bakit pinulak o pinutol ang tatlong "century-old" na acacia sa harapan ng nasabing Gabaldon School building.

Sa larawan naman na kaagapay ng sanaysay-balita ni Ms. Armie G. Marquez na may pamagat "Gabaldon Building", ay mapapansin na ang nakapalibot ngayon sa nasirang Gabaldon Building ay mga puno ng saging. Samakatuwid, ang humalili sa tatlong "Acacia Trees" ay mga puno ng saging.

Marahil, maaari nating tanimang muli ang harapan ng dating Gabaldon Building ng tatlong ubuin ng "Acacia Trees". Sa ganoong paraan, habang tayo ay naglilikom ng salapi upang maitayong muli ang "Gabaldon type of School House", ay lumalaki naman ang itinanim na mga "Acacia Trees."

Ito ay isang panukala lamang upang ang "Balik-Tanaw sa Gabaldon" ni Ginoong "Cocoy" at ng iba pang mga nagsipagtapos sa Mababang Paaralan ng Infanta ay di lamang makikita sa pagbabalik-tanaw, ngunit maging isang katotohanan - Maibalik ang "Gabaldon Building" gayon din ang mga kahoy na acacia.

Mabuti kung di lamang maibabalik natin ang "concrete building" na "Gabaldon" ngunit gayon din ang mga punong kahoy tulad ng acacia.

Sumasaiyo,
Rudy A. Arizala