Araw ng Abo Miyerkoles
Ni Rudy A. Arizala
06 Feb. 2008
Miyerkoles, araw ng abu ginunita
Ng lahat simbahang Katoliko
Huwag malimot alabok tayo
Sa alikabok din babalik ang tao
Ngunit mananatili sa Diyos ang kaluluwa
Magpakailan, saan mang tumungo
Babalik ang kaluluwa
Sa Dakilang Lumikha
Kaya sa araw na ito ng abu
May tandang krus aking noo
Buhay walang hanggan ng tao
Ala-ala ng aking pagsampalataya.