Sa aking pagbalik"
By Josette Sarto
Wala kaming pagkain at hindi sapat,
Napapa-ingo na lamang sa bawat kagat...
Ang lupang tinamnan ay hindi rin sa amin...
Nagtatalok lamang at ang ani'y hindi amin....
Malawak na lupain ay pinagmamasdan,
Kailan kaya namin ito makakamtan....
Sa ngayon ay salat at wala ni salapi...
Mayaman sa gawa at mabuting gawi...
Kay hirap maunawaan ang buhay na taglay,
Hanggang sa huli ako'y naghihintay...
Nang biyaya sa aki'y minsa'y dumatal...
Kaunting ginhawa ay biglang nagtagal...
Ano pa't minahal ko ang aking bayan...
Sapagka't ito lamang ang aking kinalakhan...
Ngayon ako'y nakatayo at hindi mabibigo,
Natanggap na biyaya sa inyo rin tutungo...
071007
jsarto