Infanta
By Josette Sarto
Aba't ako nasa Comon na pala
Hane' nga't ako'y biglang nagitla
Nagyaong panahon ay aking naisip,
Malamig na hangin,ang sa akin ay umihip......
Langgas at Alitas ay aking binalikan,
Kabahayan ang natatanaw at ang iba'y palayan,
Ang bubon na minsa'y sinasalukan ng tubig...
Puno na ng lumot at wala nang nagiigib....
Ang iba kong kaibigan ay nahaan?
Hindi na makita at makamusta man lang...
Sa paglipas ng panahon ang Infanta ay nagbago,
Habang ang iba'y umalis at bumalik upang dumito....
Aba't nanunubok lang pala ang aking isip....
Infanta ay inaalala at biglang nahagip,
Hane' nga't tayo'y minsan ay nagkakilala,
Dito sa isang bayan kung tawagin ay "INFANTA"
070907
jsarto