"Ang trahedyang hindi ninanais"

By Josette Sarto


Pagkamulagat ng mata'y ako'y nagimbal,
Sa malamig na pader ako'y napasandal...
Ang iba'y tulog at himbing sa paghilik...
Ang buhos ng ulan ay patuloy sa tagiktik...

Ang maliit na dapugan ay inabot ng ulan...
Hinanap ko si nanay upang ako ay matulungan,
Ang bubong na pawid ay muntik matangay...
Sa lakas ng hangin,ang niyog ay winawagayway,

Agad tumalima sa utos ni nanay...
Gisingin na ang lahat ng tao sa bahay,
Nang akin na silang gigisingin at pupuntahan,
Tinabunan na nang lupa ang kanilang munting higaan...

Nanaghoy man ay tumakbo papunta sa ina...
Naabutan ngunit huli na,tinanggay ng baha...
Masakit man sa kalooban ang aming sinapit...
Ramdam ko ang trahedya bawat taong sasapit....


071007
jsarto